Bank accounts na pinagdepositohan ng drug money susuriin ng DOJ

By Jan Escosio August 25, 2016 - 01:10 PM

vitaliano aguirreMay bang transactions umano na maaring magpatunay ng pagdedeposito ng drug money sa ilang bank accounts.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, ilang testigo na ang kanilang nakapanayam at isa sa kanila ang nakapagsumite na ng kaniyang sinumpaang salaysal.

May mga testigo aniyang positibong pinapangalanan si Senator Leila De Lima.

Sa panayam kay Aguirre sa senado sinabi nito na gumamit pa ng dummy ang mga personalidad para maideposito sa bangko ang pera mula sa mga convicted drug lords.

Dagdag pa ni Aguirre, natatakot para sa kanilang buhay ang mga preso sa bilibid na tetestigo sa kaso kaya’t hinihiling ng mga ito na sila ay mailipat sa mas ligtas na kulungan.

Sinabi pa ng kalihim na may ilan din sa mga tetestigo ay kaibigan mismo ng senadora na noon ay justice secretary na may superbisyon sa pambansang piitan.

Aminado naman si Aguirre na hindi pa niya nakikita ang kabuuan ng ipinakitang drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.