Tatlong high risk na preso, nakatakas sa Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo August 25, 2016 - 11:46 AM

north cotabato

Tatlong high risk inmates na pawang may kasong illegal possession of explosives and drugs ang nakatakas mula sa North Cotabato Reformatory Center.

Ayon kay Superintendent Erwin Ronquillo, hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa North Cotabato, ang mga nakatakas ay kinilalang sina Mama Mandagia Makalati alyas “Marco,” Musanip Saplidan Kusin, at Esmael Nasser alyas “Derbi.”

Sinira umano ng tatlo ang padlock ng kanilang selda kaya nagawang makatakas.

Sinabi ni Ronquillo na itinuturing na delikado si Esmael Nasser dahil responsible ito sa serye ng shooting incidents at pagpapasabog sa Kabacan.

Umapela naman si Ronquillo sa kaanak ng mga suspek na kusang isuko ang tatlo sa mga otoridad.

 

 

 

 

 

TAGS: jail break in North Cotabato, jail break in North Cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.