Lalaking inaresto dahil sa pagsusulat ng “MRT Bulok” sa bagon ng MRT, pinalaya na

By Ricky Brozas August 25, 2016 - 10:19 AM

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Matapos magpalipas ng dalawang gabi sa station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) nakalaya na si Angelo Suarez, ang lalaking nagsulat umano ng mga salitang “MRT Bulok” sa sinakyan niyang tren ng MRT.

Hindi rin maipaliwanag ni Suarez kung bakit inabot siya ng dalawang gabi sa kostodiya ng pulisya.

Miyembro ng grupong TRAIN o Train Riders Network at Riles Network si Suarez.

Vandalism o paglabag sa Quezon City ordinance ang sinasabing kaso na kinakaharap ni Suarez dahil sa pagsusulat sa MRT train.

Sa bahagi kasi ng Quezon Avenue station nahuli si Suarez na sakop ng nasabing lungsod.

Aminado naman si Suarez na gamit ang kaniyang Facebook account ay madalas niyang batikusin ang pagiging “bulok” ng MRT.

Pero hanggang sa makalabas sa QCPD ay hindi nito inamin na siya nga ang nagsulat ng “MRT Bulok” sa bagon ng tren.

 

 

 

TAGS: Angelo Suarez, MRT, Angelo Suarez, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.