Hidilyn Diaz, nakatanggap ng P1.4-M mula sa Kamara
Patuloy pa rin ang pagbibigay ng parangal ang Olympic silver medalist weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos siyang mag-uwi sa bansa ng tagumpay mula sa Rio de Janeiro, Brazil.
Bukod sa Congressional Medal of Distinction sa House of Representatives si Diaz para sa kaniyang panalo, nakatanggap rin ang weightlifter ng bonus na 1.4 million pesos na pinag-ambagan umano ng mga kongresista.
Ayon kay 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, nag-ambagan ng tig-P5,000 para mabuo ang kanilang premyo para kay Diaz.
Si Diaz ang pangalawang nakatanggap ng nasabing medalya kasunod ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquiao.
Una nang nakatanggap si Diaz ng P5 milyon mula sa Philippine Sports Commission, at P2.5 milyon naman mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
WATCH: Hidilyn Diaz, pinagkalooban ng Kamara ng Congressional medal of distinction. @dzIQ990 pic.twitter.com/ALC9Di2KN2
— Isa Avendaño-Umali (@isaavendanoDZIQ) August 24, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.