Sen. Leila de Lima maaring kasuhan kung hindi dadalo sa pagdinig sa Kamara

By Alvin Barcelona August 25, 2016 - 05:12 AM

Leila de Lima1Ipapa-aresto ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque si Sen. Leila De Lima kung hindi siya sisipot sa idaraos na pagdinig ng Kamara sa drug operation sa New Bilibid Prisons.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Roque na isusulong niya na i-sight for contempt of the House of Representatives si De Lima kung magmamatigas ito sa imbestigasyon ng mga kongresista.

Gusto niya rin na malaman sa korte kung pipigilan ng prinsipyo ng inter-parliamentary courtesy ang pagdalo ng senadora sa kanilang pagdinig.

Iginiit ni Roque na pinatawag nila si De Lima para sa mga iregularidad na ginawa nito bago pa ito maging miyembro ng senado.

Si De Lima ay isinasangkot sa operasyon ng droga sa loob ng bilibid kasama ang sinasabi umanong driver lover nito noong ito pa ang kalihim ng Department of Justice.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.