Bagyong Dindo, napanatili ang lakas pero mabagal pa rin ang pag-usad
Napanatili ng bagyong Dindo ang lakas nito habang patuloy ang pag-usad nito patungo sa direksyong timog timog-kanluran sa bilis na 7 kilometers per hour.
Inaasahang makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang mga lugar na nasasakop ng 500-kilometer diameter ng bagyo.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 150 kilometers per hour, at pag-bugso na 185 kilometers per hour.
Huling namataan ang sentro ng bagyo alas-diyes kagabi sa 1,090 kilometers East Northeast ng Itbayat, Batanes at ayon sa PAGASA, malabong mag-landfall ang nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.