Career officials sa pamahalaan, hindi kasama sa pinagbibitiw ni Pangulong Duterte

By Isa Avendaño-Umali August 24, 2016 - 02:52 PM

CSCHindi kasali sa mga appointive official na pinagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga career official sa gobyerno.

Ito ang nilinaw ng Civil Service Commission, sa ginawang budget briefing ng House Appropriations Committee sa panukalang pondo ng CSC para sa 2017.

Ibig sabihin, hindi kasama na pinababakante ng Presidente ang mga opisyal na may eligibility.

Ayon kay CSC Chairperson Alicia Dela Rosa-Bala, sumulat na sila sa Malakanyang upang ipaliwanag ang sakop ng career officials na exempted o hindi sakop ng memorandum circular no. 4.

Kinumpirma rin ni Dela Rosa-Bala, nagpulong kahapon ang CSC board upang pag-usapan ang tungkol sa utos ng Presidente.

Nakatakda ring ipalathala ng CSC ang kanilang paliwanag para maiwasan ang kalituhan sa direktiba ni Pangulong Duterte.

Ang panukalang alokasyon ng CSC para sa susunod na taon ay aabot sa 1.3 billion pesos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.