Nadakip ng mga pulis ang umano’y sidekick ng pinaghahanap na bigtime drug lord sa Central Visayas na si Kerwin Espinosa.
Kinilala ni Cebu City Deputy Chief of Police Supt. Artemio Recabo ang suspek na si Roderick Palermo Espina, 54-anyos at residente ng Maasin, Southern Leyte.
Ayon pa kay Recabo, anim na buwan nang naninirahan sa isang pension house sa Bgry. Lorega sa Cebu City si Espina at nagkaroon umano ng mga pagdududa ang may-ari ng pension house dahil ni minsan ay hindi nito pinalinis ang kaniyang kwarto.
Dito na umano inalerto ng management ang mga pulis na nag check-in pa sa katabing kwarto para matiktikan ang bawat galaw ni Espina.
Miyerkules ng umaga ay tuluyan ng pinasok ng mga tauhan ng PRO-7 ang kwarto ni Espina kung saan nakumpiska ang 2 baril, hindi pa matukoy na dami ng umano’y shabu at marijuana gayundin ang mga kagamitan sa paggawa ng shabu.
Maliban umano sa pag-amin ni Espina na kikala nito si Kerwin, wala pa umanong nakukuhang ibang detalye ang mga pulis mula sa suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.