Sinibak sa puwesto ang station commander ng Masambong police station sa Quezon City na si Supt. Dario Añasco at hepe ng Station Anti-Illegal Drug (SAID) special operation task group na si Police Senior Inspector Virgilio Miguel Carodan.
Ayon kay QCPD Director Police Sr. Supt. Guillermo Eleazar, ito ay dahil sa kakulangan sa command responsibility ng dalawang opisyal.
Matatandaan na limang police mula QCPD station 2 ang naaresto matapos kikilan ang isang drug suspect noong August 20.
Giit ni eleazar, hindi katanggap-tanggap na hindi alam nila Añasco at Carodan ang nangyayari sa kanilang hanay.
Pansamantalang papalitan si Añasco ni Police Supt. Igmedio Bernaldez mula sa National Headquarters Directorate for Operations.
Habang dinala naman muna sa District Support Unit sina Añasco at Carodan.