Mga residente natabunan ng gumuhong debris sa isang bayan sa Italy, matapos ang malakas na lindol
Ang bayan ng Amatrice na nasa sentro ng Italy ay nagtamo ng matinding pinsala sa magnitude 6.2 na lindol na tumama sa nasabing bansa.
Ayon kay Amatrice Mayor Sergio Pirozzi, may mga kalsada papasok at palabas ng kanilang bayan ang nabiyak.
Inilarawan din ni Pirozzi na kalahati ng kanilang bayan ang halos wala na at di na makilala matapos ang malakas na lindol.
Mayroon pa ring mga taong nasa ilalim ng mga bumagsak na debris, may naitalang landslide at may tulay na nagbabadyang mawasak.
Patuloy pa ang nararamdamang mga pagyanig sa Italy dahil sa aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.