Kumakalat na balitang pag-abolish sa number coding, itinanggi ng MMDA

MMDA Advisory
MMDA Advisory

Itinanggi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kumakalat na mensahe sa social media hinggil sa umano ay pag-abolish na sa number coding scheme.

Ang nasabing mensahe ay kumalakat sa viber at iba pang social media.

Ayon kay Cherie Mercado, tagapagsalita ng Department of Transportation (DOTr), peke ang nasabing mensahe.

Paalala ng MMDA, ang lahat ng opisyal na mensahe mula sa ahensya ay inilalagay sa kanilang official website at social media accounts.

“MMDA is reminding the public to be wary of spreading information that does not come from official sources, or does not indicated any source whatsoever,” ayon sa abiso ng MMDA.

 

 

 

 

Read more...