Lalaki, inaresto dahil sa pagsusulat ng “MRT bulok” sa loob ng MRT train

By Ricky Brozas August 24, 2016 - 09:20 AM

FB Photo
FB Photo

Arestado ang isang lalaki matapos markahan ang upuan ng tren ng katagang “MRT bulok”.

Nakilala ang lalaki na si Angelo Suarez, residente ng Panay Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City at nagpakilalang isang writer.

Ayon sa umarestong lady guard na si Roselyn Gambrajo, pasado alas 9:35 kagabi nang isagawa ng suspek ang bandalismo sa loob ng tren sa bahagi ng Quezon Avenue station.

Nilabag umano ni Suarez ang City ordinance number 3433 o anti-vandalism na may multang P2,000 at 25 araw na pagkakakulong.

Iginiit naman ni Suarez na hindi siya nagsulat sa upuan. Kinuwestyon din ni Suarez kung paanong nakatiyak ang gwardya ng MRT na siya ang sumulat sa upuan gayong maraming pasahero nang gabing iyon.

 

TAGS: MRT, MRT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.