3 patay sa anti-illegal drugs operation sa Quezon City

By Ricky Brozas August 24, 2016 - 07:51 AM

RADYO INQUIRER FILE PHOTO
RADYO INQUIRER FILE PHOTO | Jong Manlapaz

Patay ang tatlong lalaki matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Quezon City.

Ayon kay Police Inspector Rafael Tumibay ng Station Anti-illegal drugs ng La Loma Police, sumuko na sa Oplan Tokhang noong July 4 ang target na kinilala lamang sa Alyas Buboy.

Ngunit sa kanilang monitoring, lantaran pa rin umano itong nagbebenta ng iligal na droga si Buboy kaya nila ikinasa ang buy-bust operation.

Bibili sana ng shabu na nagkakahalaga ng P500 mula sa suspek ang isang nagpanggap na buyer ngunit hindi na ito natuloy.

Papasok pa lamang kasi sa compound ang mga operatiba ay pinaputukan na ito ng dalawang kasamahan ni alyas Buboy na nagsisilbing lookout.

Agad na gumanti ng putok ng mga pulis dahilan para ikamatay ng tatlo.

Nakuha mula sa tatlo ang dalawang kalibre 45 at isang revolver.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang lalaki na kasamang napatay sa operasyon.

 

 

 

 

 

TAGS: 3 killed in anti illegal drugs operation in QC, 3 killed in anti illegal drugs operation in QC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.