2 taong gulang at kapatid na sanggol, patay sa sunog sa Las Piñas City

Kuya ni Jong Manlapaz
Kuya ni Jong Manlapaz

Patay ang magkapatid na dalawang taong gulang at isang sanggol sa sunog na naganap sa Talon 4, Las Pinas City.

Nagsimula ang sunog alas 12:30 ng madaling araw na umabot sa ikalimang alarma

Kinilala ama ng tahanan na si Richard Palmones ang mga nasawi niyang anak na si Princess Eunice Beneigla-2 taong gulang at si Princess Nicole Roselyn Beneigla na isang sanggol.

Nakita ang dalawang bata matapos maalis ang pader at mga yerlo na dumagan sa kanila.

Kuha ni Jong Manlapaz

Nagsimula ang sunog alas 12:30 ng madaling araw at tuluyang naapula alas 2:55 ng umaga.

Ayon kay Senior Inspector Aurelio Zalun ng Las Piñas City Bureau of Fire Protection, ay binili umano ang nanay ng dalawang bata at nang makabalik ito ay malaki na ang apoy sa loob sa kanilang bahay kaya hindi na naligtas pa ang kanyang dalawang anak.

Hindi na makilala ang dalawang bata nang matagpuan dahil kapwa sila naabo sa sunog.

Aabot sa 40 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Sa pagtaya ng mga otoridad, umabot sa P300,000 ang halaga ng mga naabong ari-arian.

Read more...