Binabantayang LPA, lalabas na ng bansa; isang typhoon nagbabadyang pumasok ng PAR
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang isang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 350 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur at nananatili sa West Philippine Sea.
Mababa pa rin ang tsansa na ito ay maging bagyo at inaasahang lalabas na ng bansa anumang oras ngayong araw.
Samantala, ayon kay PAGASA forecaster Samuel Duran, minomonitor nila ang isang bagyo na may international name na “Lionrock” na nasa south area ng Japan.
Nagbabadya itong pumasok sa Northern border ng Pilipinas, pero dahil sa mabagal na kilos nito, posibleng abutin pa ito ng dalawa hanggang tatlong araw bago makalapit ng bansa.
Ayon kay Duran, nasa typhoon category na ang bagyo na kakaiba ang kilos dahil Southwest ang direksyon nito.
Mabagal ang galaw ng bagyo na 11 kilometers kada oras lamang.
Ayon kay Duran, didikit lamang ito sa border ng bansa at hindi naman inaasahang tatami sa kalupaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.