Patay ang dalawang katao, habang tatlo naman ang sugatan sa naganap na sunog sa Pasay City, Martes ng hapon.
Kinilala ang isa sa mga nasawi na si Naneth Espinosa, habang ang bangkay ng isa pang lalaki ay hindi pa rin nakikilala ng mga otoridad.
Nakilala naman ang mga sugatan na sina Meliton Rosales, Roy Tigre at Alberto Dimandan.
Anim na magkahalong residential at commercial na mga gusali ang natupok, at tinatayang aabot sa P250,000 ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.
Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), isang natumbang tangke ng LPG ang sumingaw at hinihinalang naging sanhi ng sunog na umabot pa sa ikalawang alarma.
Gayunman, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng BFP upang makumpirma o malaman ang tunay na sanhi ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.