Ito ay dahil sa pagsusulong niya ng bilateral talks sa China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa South China Sea at ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration dito.
Ayon sa pangulo, titingnan niya pa kung ito ay pasok sa interes ng bansa, ngunit kung hindi naman kailangan ay hindi siya pupunta.
Samantala, sinabi naman ni Duterte na malapit nang matuloy ang naturang bilateral talk at posibleng maganap ito ngayong taon din.
Matatandaang noon pa man ay naniniwala na ang pangulo na mas makabubuting panatilihin ang bilateral relationship ng Pilipinas at ng China.
Muli namang iginiit ni Pangulong Duterte na hindi niya babanggitin ang nasabing ruling sa ASEAN Summit na gaganapin sa susunod na buwan, pero kung may mag-uumpisa ng usapin, handa siyang harapin ito.