Draft agreements sa peace talks, target matapos sa loob ng anim na buwan

By Kabie Aenlle August 24, 2016 - 04:22 AM

 

Inquirer file photo

Para kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, maganda ang takbo ngayon ng usaping pangkapayapaan sa pagitan nila ng gobyerno.

Sa isang INQ&A interview, sinabi ni Sison na nakatapos na ang parehong panig ng limang agenda, kabilang na ang pagpapatibay sa nauna nang pinirmahang mga kasunduan, pagpapabilis sa proseso ng mga negosasyon at ang reconstitution ng Joint Agreement on Security and Immunity Guarantees (JASIG).

Tatlong reciprocal groups na rin aniya ang tumatrabaho sa iba pang mga kasunduan kabilang ang agreement on social and economic reforms, political and constitutional reforms, at pati na ang agreement to end hostilities.

Target na tapusin ang drafts ng mga kasunduan sa loob ng susunod na anim na buwan.

Muli ring pinuri ni Sison si Pangulong Duterte dahil sa pagiging bukas nito sa pagpapabilis ng peace negotiations, at mas nakikitaan niya ngayon ng determinasyon ang pamahalaan para makabuo ng magagandang kasunduan.

Ani pa Sison, isasagawa ang sunod na formal talks para sa draft ng mga comprehensive agreements.

Mas positibo rin aniya ang pananaw nila sa peace talks ngayon dahil kahanay ng paniniwala ng NDFP ang political will ni Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.