Proseso sa pabahay gagawing simple na lang ayon kay Robredo

By Alvin Barcelona August 23, 2016 - 04:47 PM

Leni Robredo
Inquirer file photo

Plano ngayon ni Vice President at Housing and Urban Development Coordinating Council chairperson Leni Robredo na lumikha ng isang one-stop-shop para sa mga aplikante sa socialized housing.

Sinabi ito ni Robredo sa harap ng nakakarating sa kanilang ulat na  karamihan sa mga investors ay nawawalan ng ganang pumasok sa socialized housing dahil hindi business friendly ang proseso para dito.

Ayon kay Robredo, ang reklamo ng mga investors ay inaabot ng dalawa hanggang apat na taon bago sila makakuha ng permit para magpagawa ng pabahay.

Balak aniya nila ngayon na lumikha ng isang citizens charter kung saan lahat ng mga ahensya sa housing sector tulad ng Pagibig Funds at National Housing Authority (NHA) ay nasa isang bubong at kung saan lahat ng requirements at bayaran ay maaaring iproseso.

Ayaw ng mga mamumuhunan ang mahabang proseso lalo’t sila naman ang lilikha ng pabahay para sa mga ordinaryong mamamayan.

Target ng housing czar na mailatag ang bagong sistema sa pagtatayo ng socialized housing pero baka maapektuhan ito dahil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang ilang opisyal ng pamahalaan na naitalaga sa posisyon noog nakaraang administrasyon.

TAGS: hudcc, pagibig, Robredo, hudcc, pagibig, Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.