Umento sa sahod malabo pa ayon sa NEDA

By Chona Yu August 23, 2016 - 03:52 PM

Ernesto Pernia
Photo: Chona Yu

Malamig ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbigyan ang hirit ng mga ordinaryong manggagawa na dagdag sahod.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Economic and Development Authority Director General Ernesto Pernia na oras na aprubahan ang wage hike, maari itong magresulta ng pagsasara ng ilang kompanya o di kaya ay magkakaroon ng tanggalan ng mga manggagawa.

Sa halip aniya na dalawa, isang pamilya na lamang ang makapapasok sa trabaho dahil limitado ang kayang bayaran ng mga employers kapag tinaasan ang pasahod.

Paliwanag ni Pernia, sa halip na taasan ang sweldo, mas makabubuti ng dadagdagan na lamang ang paglikha ng karagdagang trabaho.

Nauna nang inihirit ng ilang labor groups na panahon na para magpatupad ang pamahalaan ng isang legislated wage increase para sa mga arawang obrero.

TAGS: daily wage, neda, pernia, daily wage, neda, pernia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.