2 PNP officials na sabit sa droga kakasuhan na ng Napolcom

tinio-pagdilaoNakahanda na ang National Police Commission (Napolcom) na sampahan ng mga kaso ang dalawang police generals na nauna ng pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang narco list.

Ayon kay Atty. Johnson Reyes, ng Inspection, Monitoring and Investigation Service ng Napolcom, kinasuhan na sina dating National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director C/Supt. Joel Pagdilao at dating Quezon City Police District Dir. Edgardo Tinio.

Nahaharap sa kasong serious neglect of duty, serious irregularity in the performance of duty at conduct unbecoming of an officer and a gentleman sina Tinio at Pagdilao dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa droga

Samantala, wala pa ring malinaw na ebidensya laban kay C/Supt. Bernardo Diaz na dating Regional Director ng Region 6.

Samantala, hindi na hurisdiksyon ng Napolcom sina retired General Marcelo Garbo at Vicente Loot na kasalukuyang alkalde ng Daang Bantayan, Cebu kung kaya hindi na sila kasama sa kanilang imbestigasyon.

Read more...