WATCH: Lalaki, patay matapos manlaban umano sa mga pulis

By Jong Manlapaz August 23, 2016 - 01:09 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Napuno ng iyakan ang isang eskinita sa Tramo St. sa Pasay City matapos na malaman ng mga kaanak ng suspek na si Erick Sison na napatay ito ng mga pulis sa isa responde.

Ayon sa isang pulis mula sa police community precinct 2, sisitahin lang umano nila si Sison pero tumakbo umano ito at nagpaputok ng baril na gumanti naman ng putok ang mga pulis na kinasawi ng suspek.

Nadaplisan naman ng bala sa balikat si Felipe Matias na nagpaparada lang ng kanyang bisikleta sa tapat ng bahay nang mangyari ang engkwentro.

Nakakuha naman ng isang revolver kay Sison at may nadiskubreng marijuana sa kanyang bulsa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.