9 na pulis at 3 sundalo na ang napatay sa laban sa ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio, Len Montaño August 23, 2016 - 12:47 PM

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Sa ikalawang araw ng pagdinig ng senado sa extrajudicial killings sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na ang laban ng pamahalaan sa ilegal na droga ay nagreresulta din sa pagkasawi ng mga pulis at sundalo.

Sa kaniyang powerpoint presentation, sinabi ni Dela Rosa nasimula nang ipatupad ang “Oplan Double Barrel” noong July 1, umabot na sa siyam na pulis at tatlong sundalo ang nasawi.

Habang mayroong 18 pulis at 8 sundalo naman ang nasugatan.

Ayon kay Dela Rosa patuloy ang paglilinis ng PNP sa kanilang hanay lalo pa at marami ring alagad ng batas ang sangkot sa illegal drugs.

Katunayan sinabi ni Dela Rosa na mayroon nang labing isang pulis na sangkot sa illegal drugs ang napatay at dalawampu ang naaresto sa isinagawang operayson ng pulisya.

Inilahad din sa senado ni Dela Rosa ang latest na datos ng PNP, na mayroong 130 ang nagpositibo sa paggamit ng shabu.

Iniulat din ni Dela Rosa na umaabot na sa 1,160 ang naitala nilang napatay na inilagay nila sa listahan ng mga death under investigation. Ang mga ito aniya ay labas sa police operations.

Karamihan umano sa mga napatay ay may edad sa pagitan ng 31 hanggang 50 anyos at meron ding 18 anyos pababa.

Tinukoy din ng PNP chief na umaabot sa 80 cadavers ang narekober na may katabing cardboard o karatula na nakasulat na isinangkot ang mga ito sa drugs. Habang nasa 23 naman ang tinalian o kaya may duct tape.

Sa ngayon mula nang maupo ang Duterte administration ay nasa 756 na ang napatay ng pulisya sa lehitimong operasyon.

Iginiit ng PNP Chief na karamihan sa mga ito ay napatay dahil sa nanlaban.

Lumalabas naman na sa nakalipas lamang na magdamag ay umaabot sa 44 ang napatay sa operasyon ng pnp.

Pero giit ni Dela Rosa, ito ay dahil ina-update nila ang kanilang tala at habang naghe-hearing sa senado ay tuloy-tuloy ang operasyon ng pulisya sa iba’t ibang dako ng bansa.

Nilinaw naman ni PNP-IAS Deputy Inspector General Chief Supt. Leo Angelo Leuterio, na mula sa 756 na napatay, umaabot naman sa 569 ang kanilang iniimbestigahan.

Pero marami anya sa kanilang iniimbestigahan ay na-clear dahil napatunayang lehitimo ang operasyon ng PNP.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.