Fish Holiday, itinuloy ng Navotas fish traders

July 23, 2015 - 08:08 AM

Nav fish port erwin 2
Kuha ni Erwin Aguilon

Maraming tindahan ng isda sa Navotas fish port ang hindi nagbukas ngayong araw bilang bahagi ng ipinatutupad na fish holiday ng kanilang samahan.

Ang fish holiday ay pagpapakita ng pagtutol ng asosasyon ng mga fish traders at mga mangingisda sa Navotas fish port sa anila ay hindi makataong polisiya sa ilalim ng RA 10654 o Fisheries Code na nagpapataw ng mas mataas na multa sa mga lalabag na mangingisda at traders.

Una nang sinabi ng naturang grupo na aabot sa 40% hanggang 50% ng suplay ng isda sa mga palengke ang maaapektuhan dahil sa nasabing fish holiday.

Inirereklamo din nila ang pagbabawal na gumamit ng lambat sa panghuhuli ng isda sa Manila Bay.

Nav fish port erwin 3
Kuha ni Erwin Aguilon

Dahil sa nasabing protesta, iilan lamang ang tindahang nagbukas sa Market 3, 4 at 5 ng Navotas fish port ngayong umaga.

Wala ring nabili ang mga tindero at tindera ng isda na araw-araw ay humahango ng kanilang paninda sa nasabing fish port. “Hindi na lang ako mamimili, saka hindi na ako magbubukas ng tindahan ko, hindi kumpleto ang paninda eh, walang bangus, walang tilapia, walang hipon syempre ‘yun ang hahanapin ng mga suki ko,” Ayon kay Imelda, tindera ng isda sa Monumento at humahango ng paninda sa Navotas.

Nav fish port erwin
Kuha ni Erwin Aguilon

Sa kabila ng protesta, may mangilan-ngilan ding fish vendor sa Navotas fish port ang nagbukas ng kanilang pwesto. Katwiran nila, nakahango na sila ng panindang isda kaya hindi puwedeng hindi nila ito ipagbibili dahil baka masira at ito ay nagmula sa malalayo at hindi mula sa Manila Bay.

Ang mga pinuno naman ng Navotas Market 3, 4 and 5 Association ay naglagay ng harang sa bukana ng fish port para hindi na papasok ang mga hahango ng isda ngayong araw.

Magsasagawa din ng protesta ngayon sa Mendiola ang kanilang grupo para ilahad ang kanilang mga hinaing./Erwin Aguilon

TAGS: 4 and 5 Association, Navotas Market 3, 4 and 5 Association, Navotas Market 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.