Baraan, driver ni De Lima, nais makuhanan ng statement ng DOJ

DOJ-660x495Patuloy ang pagkalap ng salaysay at mga ebidensya ng Department of Justice (DOJ) hinggil sa umano ay pagkakasangkot ni Senator Leila De Lima sa sindikato ng droga partikular sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na mara-rami na silang nakapanayam at nakuhanan ng statement.

Pero kabilang aniya sa nais nilang makausap pa ay si dating DOJ Usec. Ernesto Baraan at ang driver ni De Lima na si Ronnie Dayan.

Sinabi ni Aguirre na isa sa mga nakausap na ng DOJ ay si dating Bureau of Corrections Director Franklin Jesus Bucayu.

Nilinaw naman ni Aguirre na hindi pa nila nililinis sa isyu ang isa pang dating Bucor chief na si Rainier Cruz III.

Una nang sinabi ni Aguirre na kung magbibigay ng pahayag at maglalahad ng nalalaman ay maaring maging qualified para sa witness protection program si Baraan at Dayan.

 

 

Read more...