Jun Lozada, hinatulang guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan

Jun LozadaPinatawan ng anim hanggang sampung taon na pagkakulong ng Sandiganbayan si Rodolfo Jun Lozada, ang whistleblower sa kontrobersyal na NBN-ZTE deal.

Hinatulang guilty ng anti-graft court 4th division si Lozada sa paglabag sa Sec. 3-E ng Anti-Graft Law, o causing undue injury to the Government.

Abswelto naman ito sa paglabag sa Sec. 3-H ng Anti-Graft Law o pagkakaroon ng pinansiyal na interes sa transaksyon.

Nag-ugat ang kaso sa umano’y iregularidad sa pag-award ni Lozada ng lease contract sa kapatid nitong si Jose Orlando at sa isang probadong kumapany noong ito pa ang presidente ng Phil Forest Corporation o Philforest.

Binigyan ng Sandiganbayan si Lozada ng 15 araw para i-apela ang hatol sa kanya.

 

 

 

Read more...