Jun Lozada, hinatulang guilty sa kasong graft ng Sandiganbayan
Pinatawan ng anim hanggang sampung taon na pagkakulong ng Sandiganbayan si Rodolfo Jun Lozada, ang whistleblower sa kontrobersyal na NBN-ZTE deal.
Hinatulang guilty ng anti-graft court 4th division si Lozada sa paglabag sa Sec. 3-E ng Anti-Graft Law, o causing undue injury to the Government.
Abswelto naman ito sa paglabag sa Sec. 3-H ng Anti-Graft Law o pagkakaroon ng pinansiyal na interes sa transaksyon.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y iregularidad sa pag-award ni Lozada ng lease contract sa kapatid nitong si Jose Orlando at sa isang probadong kumapany noong ito pa ang presidente ng Phil Forest Corporation o Philforest.
Binigyan ng Sandiganbayan si Lozada ng 15 araw para i-apela ang hatol sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.