Taxi, sumabog at nagliyab sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo August 23, 2016 - 08:14 AM

Photo from Phillip Roncales and Fritz Sales
Photo from Phillip Roncales and Fritz Sales

Isang taxi ang sumabog, nagliyab hanggang sa tuluyang matupok sa bahagi ng Chino Roces Avenue kanto ng Vito Cruz Extension sa Barangay La Paz, Makati City.

Nasa kahabaan g Chino Roces ang taxi na may plate number TYV 388 patungo sa direksyon ng J.P. Rizal nang biglang umusok ang bungad na bahagi nito, hanggang sa tuluyan nang sumabog at umapoy.

Nagawa namang makababa agad ng pasahero ng taxi at ang driver nito bago tuluyang lumaki ang apoy.

Isang Hyundai Accent ang model ng nasunog na taxi.

Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng Makati Bureau of Fire at mga tauhan ng Barangay La Paz, alas 7:25 ng umaga nang itawag sa kanila na mayroong nasusunog na sasakyan sa nasabing intersection.

Alas 7:41 ng umaga nang ideklara fire out na ang sunog sa taxi, pero hindi agad ito naialis sa lugar dahil hinintay pa ang tow truck na hahatak dito.

Dahil sa insidente, naapektukhan ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng Chino Roces partikular ang mga nanggagaling sa Buendia area at ang mga sasakyan sa bahagi ng Metropolitan Avenue na galing naman sa Jupiter St. at tatawid sa Vito Cruz Extension.

 

 

 

 

TAGS: taxi catches fire along chino roces in makati, taxi catches fire along chino roces in makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.