“Mas napagtibay sa hearing sa Senado ang batayan ng war on drugs ni Duterte” – sa OFF CAM ni Arlyn Dela Cruz
Matapos ang unang pagdinig sa Senado hinggil sa mga pagpatay lalo na sa tinatawag na extra judicial killing, maraming bagay na napatunayan na sa tingin ko, lalo pa ngang nagpalakas ng basehan ng galit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa problema ng ilegal na droga at kung bakit kinailangan niyang mag-deklara ng digmaan para masawata ang operasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas.
Una, sa kuwento ng mga testigo sa pagdinig na pinamunuan ni Senadora Leila De Lima, patunay na ang mga napatay, one way or another, ay sangkot nga sa ilegal na droga, gumagamit at nagtutulak. “Aso” ng mga pulis, hanggang sa sila na ang mga nagbebenta kasapakat ang mga pulis. Isipin ninyo, mga magulang, sina “Papa” at “Mama” batay sa kuwento ng isang testigo, ipinababatid ba sa kanila ang transaksiyon ng pagbebenta ng ilegal na droga? A family affair. Masakit. Pero totoo sa kuwento ng mga testigo.
Lumalabas, karaniwan na, sa mismong loob ng tahanan, negosyo, kabuhayan, pantawid sikmura maliban sa sariling gamit–ilegal na droga.
Ikalawa, lalong napatunayan na napakarami ngang pulis na sangkot mismo sa aktuwal na paglalako ng ilegal na droga. Yun naman ang laman ng drug matrix na hawak ni Pangulong Duterte na ang Ilang bahagi ay inilantad niya sa publiko. Totoong mga mismong pulis na ang nagbebenta at operators ng droga. Isinulat ko ito na unnamed sources pero ang batayan ay ang intelligence and assessment report na ipinarating kay Pangulong Duterte.
Ikatlo, napatunayan na ang mga apparatus na pinatutungkulan ni Duterte ay nabulabog, nag-panic ang mga pulis na sangkot, nag-panic ang mga “aso” o galamay o seller ng mga pulis ng ilegal na droga. Nabulabog ang mga sindikato at ang mga tiwaling pulis ay bahagi ng layers ng sindikato. On its own, the law enforcers involved in illegal drugs represent or constitute a layer of syndicates.
Ika-apat, mga pulis ang sangkot sa Ilang pagpatay, lalo na yung mga iniharap na testigo sa Senado at ito at mga pulis na mismong sangkot sa droga. Ito ang hamon ngayon, may mga pulis na nasa listahan, may mga na-dismiss na nga eh, pero paano yung mga aktibong pulis na hindi nasa listahan na sangkot din pala sa ilegal na droga?
Naglilinis, ang mga nagpapatumba ay mga pulis na sangkot mismo sa ilegal na droga. Ngayon, kailangang ihiwalay ang mukha ng lehitimong operasyon at operasyon ng pagkukumahog ng Ilang pulis para huwag silang maituro o mainguso.
Totoong nabulabog ang kangkungan!
Tanong ko lang din. Itong common knowledge na ito sa mga komunidad na talamak ang ilegal na droga, mahahayag ba Ito kung hindi si Duterte ang pangulo? May takot ba na mararamdaman sa baba hanggang sa taas? Now I understand better what Duterte meant when he said he needed to crash the apparatus of the illegal drugs operations. Mula sa baba, pataas. Ito ang kanyang taktika. Mahihirap ang unang nasapol ng kampanya, totoo yan, pero kung titignan sa kabuuan, eto ang naglagay ng takot sa bawat barangay ngayon na dati ay talamak ang bentahan ng ilegal na droga na parang pang sari-sari store na lang.
Now, as an organization, is this the policy of the Philippine National Police? I don’t think so. Clearly, the extra-judicial killings so to speak are in the hands of the law enforcers involved in illegal drugs operation. Sila ay bahagi ng sindikato, sila ang sindikato.
Minsan ko nang nasabi, tama si Duterte, kung hindi niya gagawin ang digmaan sa ilegal na droga, wala ng ibang pangulo na puwede pang gumawa into na May tunay na takot sa otoridad at sa pamahalaan.
May expose ba sa naging hearing ng Senado? Wala.
Si Duterte ang unang nagsabi nito sa publiko. Elected officials, people I’m govern,net and law enforcers themselves are involved in the illegal drugs trade.
Balikan ko ang sagot ng isang testigo sa tanong mismo ni De Lima: “Gumagamot ba ang Mama at Papa mo?” Sagot: “Opo”. Masakit na katotohanan. Umabot na sa ganito ang galamay ng ilegal na droga–sa loob ng mga tahanan.(wakas)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.