Marahas na laban ni Duterte kontra droga, hango sa mga pelikula

 

Mulas inquirer.net

Mistulang hinango ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang diskarte sa pagsugpo sa problema ng iligal na droga, mula sa mga pelikula sa Amerika.

Paliwanag ni Duterte, itinuro ng Amerika na mabuti ang pagpatay sa mga nang-aalipusta sa pamamagitan ng mga pelikula, tulad ng kina Clint Eastwood at Charles Bronson.

Inihalintulad niya pa ang sitwasyon ng bansa ngayon sa mga pelikula nina Eastwood at Bronson na sumikat sa ginanapan nilang mga roles sa kanilang pelikula.

Si Eastwood na isang 86-anyos na actor-director ay sumikat sa kaniyang 1970s box office hit na “Dirty Harry” series bilang isang brutal na homicide investigator na si Harry Callahan.

Samantala, si Bronson naman ay gumanap bilang isang architect na naging vigilante na si Paul Kersey sa “DEath Wish” movie series.

Bagaman madalas rin siyang tinatawag na “Duterte Harry,” nanindigan si Duterte na magkaiba pa rin sila ni Dirty Harry sa pagharap sa kriminalidad.

Aniya, hindi siya naniniwala sa “crusading justice” at nagkaiba sila ni Dirty Harry dahil ang karakter ni Eastwood ay may mga sariling pakay, habang siya naman ay may tungkulin na protektahan ang bansa.

Dagdag pa ni Duterte, si Dirty Harry ay naawa sa mga kapwa niya Amerikanong napapatay ng mga kriminal kahit pa sila ay matitinong mamamayan.

Ani pa ng pangulo, bagaman hindi naman totoo ang mga pelikulang ito, sinasalamin nito ang totoong buhay.

Read more...