Hindi lahat ng nasa Libingan ng mga Bayani ay bayani-Solgen

 

Mula sa corregidorisland.com

Maging ang Office of the Solicitor General (OSG) ay suportado ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipalibing ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Depensa ng OSG, hindi naman nangangahulugan na sa oras na mailibing ang isang namayapa sa Libingan ng mga Bayani ay ituturing na itong ‘bayani’.

Matatandaang ilang petisyon na ang inihain sa Korte Suprema na nagtatangkang pigilin ang nakaambang libing dahil sa mistula nitong babaguhin ang takbo ng kasaysayan at ituturing na bayani ang dating diktador.

Gayunman, sa komento na isinumite ng OSG bilang tugon sa mga petisyon, iginiit nito na hindi tinatangkang baguhin ng Duterte administration ang kasaysayan.

Sa halip, iginiit ng OSG na ang paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay  maaring pahintulutan dahil isa itong dating pangulo, at sundalo batay sa isinasaad ng batas.

Kahit anila binansagang Libingan ng mga Bayani ang naturang sementeryo, hindi nangangahulugang lahat ng mga nakalibing at maaring ililibing dito ay mga itinuturing na mga bayani.

 

 

 

Read more...