Dela Rosa, aminadong posibleng vigilante ang may kagagawan sa maraming kaso ng pagpatay

 

Mula sa Inquirer

Sa pagharap ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa sa Senate inquiry tungkol sa mga extrajudicial killings, iniulat niya na mahigit kalahati sa naitalang bilang ng drug killings ay posibleng gawa ng mga vigilante.

Ayon kay Dela Rosa, mula nang opisyal na magsimula ang Duterte administration noong July 1, pumalo na sa 1,779 ang napatay.

Aniya, 712 sa mga ito ay naganap sa mga lehitimong police operations, habang ang 1,067 ay sa labas ng operasyon at posibleng gawa ng mga vigilante.

Paliwanag ni Dela Rosa, wala silang kinalaman sa mga vigilante killings, habang ang mga bulok na tauhan sa pwersa ng pulisya ay pinapanagot na sa kanilang mga krimen.

Giit pa ni Dela Rosa, tinitiyak niyang hindi nakokompromiso ang paninindigan ng PNP laban sa extrajudicial killings.

Sakali man aniyang may pulis na lumabag sa batas kaugnay sa self-defense, paiimbestigahan nila ito at parurusahan alinsunod sa magiging resulta.

Sinabi pa ni Dela Rosa na napapagod na rin sila sa kampanya laban sa iligal na droga, dahil mahirap din naman ang kanilang dinaranas ngunit nahuhusgahan pa rin sila na masama.

Read more...