Bodyguard ni De Lima, ipapatawag sa house probe

By Jay Dones August 23, 2016 - 04:34 AM

 

Leila de Lima1Ang dating driver-bodyguard ni Sen. Leila De Lima ang magsisilbing star witness ng Kongreso sakaling matuloy ang imbestigasyon sa umano’y pagkalat ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Sinabi ni Deputy Speaker Karlo Nograles na kanilang padadalhan ng imbitasyon ang driver ni De Lima na si Ronnie Palisoc Dayan, upang paharapin ito sa imbestigasyon at matunton ang koneksyon ng dating Kalihim ng DOJ at mga drug lords sa NBP.

Matatandang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsiwalat na ang driver bodyguard ni De Lima na naka-relasyon din diumano nito ang nagsisilbing taga-kolekta ng pera mula sa mga drug lords na nakakulong sa NBP.

Labingisang mambabatas ang naghain ng resolusyon upang paimbestigahan ang posibleng responsibilidad ni De Lima sa diumano’y pagiging mistulang drug haven ng NBP sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Kalihim ng DOJ.

Bukod sa driver nito, padadalhan din ng courtesy invitation ng Kongreso si De Lima at sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, BuCor chief Ricardo Rainier G. Cruz III dating Bucor Director Franklin Jesus Bucayu.

Samantala, naniniwala naman si Ifugao Rep. Teddy Baguilat na magiging isang uri ng political persecution lamang ang pagdinig dahil ang mga mambabatas na nais isulong ang inquiry ay ang siyang grupo rin na humaharang na maimbestigahan ang mga extrajudicial killings sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.