Nagbabala ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko hinggil sa isa namang investment scam.
Ang babala ay para sa isang kumpanyang F.L.A.G. Prosperity Marketing Inc. na nakabase sa Calamba, Laguna. Kilala rin ang naturang kumpanya sa tawag na Freedom Life Advanced Global Prosperity Marketing Inc.
Sa advisory ng SEC ay nakasaad na walang pahintulot ang F.L.A.G na maningil o kumuha ng pamumuhunan sa sinuman o sa publiko. Ito ayon sa SEC ay direktang paglabag sa Section 8.1 of the Securities Regulation Code. Ang SEC advisory ay may petsang July 16.
Nabatid ng SEC na ang F.L.A.G. Prosperity Marketing ay nangangalap ng investment na nagkakahalaga ng P1,500 bawat isa na kailangang makapanghikayat pa ng 15 iba pa para makakuha ng puntos o balik ng pamumuhunan na nagkakahalaga ng P2,200 o kita ng P700 sa bawat pamumuhunan.
Nalaman din ng SEC na kahit nakabase sa Laguna ang naturang kumpanya ay nakapangalap ito ng pamumuhunan mula sa mga individual investors sa
Batangas, Quezon, Isabela, Cavite hanggang sa Bicol region at sa National Capital Region./Gina Salcedo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.