DOJ naghahanap na ng tetestigo laban kay De Lima
Nag-iipon na ang Department of Justice (DOJ) ng mga testigo na susuporta sa mga alegasyong ibinabato laban kay Sen. Leila de Lima kaugnay sa pagiging sangkot niya sa kalakalan ng iligal na droga.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, humahanap na sila ng mga testigong makapagdidiin at makakapagsakdal sa sinumang sangkot sa iligal na droga.
Aniya pa, kung mag-aapply bilang state witnesses ang driver ni De Lima na si Ronnie Dayan at si dating Undersecretary Francisco Baraan III, maari silang pumasa sa kwalipikasyon.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Lima ng pagkakasangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.
Sinabi pa ng pangulo na kasabwat ni De Lima ang kaniyang driver at umano’y karelasyon na nakatokang mangolekta ng pera mula sa mga drug lords upang mapondohan ang kaniyang kampanya sa pagka-senador.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.