Taguiwalo at Mariano mananatili sa gabinete ni Duterte

By Chona Yu August 22, 2016 - 08:49 PM

Taguiwalo mariano
RTVM

Agad na pinabulaanan nina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at Agrarian Secretary Rafael Mariano ang bogus media advisory na magpapatawag umano sila ng press conference bukas ng umaga para ihayag ang kanilang pagkalas sa gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing pekeng media advisory, iginigiit ng dalawang kalihim kasama si National Anti-Poverty lead convenor Lisa Masa na kakalas sila sa administrasyon bilang pagtutol sa nagaganap na extra judicial killings at pagpayag ng pangulo na ilibing sa Libingan ng mga Bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Katunayan, dumalo pa ngayong hapon sa cabinet meeting sa Malacañang sina Taguiwalo at Mariano.

Ayon kay Taguiwalo, black propaganda lamang umano ito.

Sinabi naman ni Bayan secretary general Renato Reyes na ang mga reporter na nagcover sa Liberal Party noong nakaraang eleksyon ang nakatanggap ng naturang media advisory.

Kaya malinaw aniya kung sino ang nasa likod ng cheap at black propaganda.

TAGS: duterte, mariano, taguiwalo, duterte, mariano, taguiwalo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.