50 local officials kasama sa bagong “narco list” ni Duterte

duterte
Inquirer file photo

Aabot pa sa humigit kumulang limampung local executives ang kasama sa “narco list” ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Interior and Local Government Sec. Ismael Sueno na nasa pangulo na ang pagpapasya kung kailan at kung isasapubliko pa nito ang pangalan ng mga pulitiko na sangkot sa ilegal na droga.

Kung isasama pa aniya ng pangulo sa listahan ang mga barangay officials na sangkot sa ilegal na droga ay posibleng umabot pa sa daan daan ang bilang.

Ayon kay Sueno, ito ang dahilan kung kaya naiintindihan niya kung ganun na lamang ka pursigido ang pangulo na tuldukan ang problema sa ilegal na droga dahil sa naging malawak na ang operasyon nito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Tiniyak pa ng opisyal na dumaan sa tamang proseso ang pagberipika nila sa nasabing mga pangalan na nagmula sa mga intelligence sources ng gobyerno.

Read more...