Panibagong pagkilala ibinigay ng AFP kay Hidilyn Diaz

By Ruel Perez August 22, 2016 - 03:58 PM

Diaz naia
Inquirer file photo

Ginawaran ng pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Airwoman First Class Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo ng silver medal sa women’s 53-kg division weightlifting event sa katatapos na 2016 Summer Olymic Games Sa Rio De Janeiro, Brazil.

Isang plake ang ipinagkaloob kay Diaz dahil sa kanyang exemplary performance sa Olympics na iprinisinta ni AFP Chief Ricardo Visaya nang mag-report si Hidilyn Sa Camp Aguinaldo kanina.

Kasabay nito, ginawaran din si Hidilyn ng Outstanding Achievement Medal sa direktiba ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa ginawang awarding, kinilala ng pamunuan ng AFP ang maraming ‘firsts’ na na-accomplish ni Hidilyn sa kanyang pagkapanalo sa Rio Olympics, kabilang ang pagiging unang Filipinang atleta na nanalo ng Olympic medal

Unang nagtamo ng medalya mula 1996, unang Pilipino Na makakuha ng medalya sa Olympic Weightlifting at unang non-boxer na magwagi sa olympics mula 1936.

Nauna rito, ay binigyan ng promotion ng Philippine Air Force si Hidilyn sa susunod na mataas na ranggo bilang pagkilala sa kanyang natatanging achievement na nagbigay ng karangalan sa bansa.

TAGS: AFP, hidilyn diaz, olympics, AFP, hidilyn diaz, olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.