Pilipinas hindi kakalas sa U.N ayon sa DFA

United Nations
Inquirer file photo

Mananatiling kasapi sa United Nations ang Pilipinas taliwas sa naging pahayag ni Pangulong Rodrido Duterte na kakalas na ang bansa sa nasabing samahan.

Sa kanyang ipinatawag na press conference, sinabi ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay na hindi binabalewala ng pamahalaan ang mga tulong ng U.N sa bansa.

Pero aminado ang opisyal na nakasasama ng loob ang mga inilabas na pahayag nina Agnes Callamard at Dainus Puras ng U.N special rapporteur kaugnay sa umano’y talamak na mga kaso ng extra judicial killings sa bansa.

Imbes na maglabas ng mga mapanirang pahayag, sinabi ni Yasay na mas importanteng ipresinta ng U.N ang batayan ng kanilang pahayag na hindi dapat ibinabase lamang sa mga media reports.

Nauna na ring sinabi ni presidential spokesman Ernie Abella na dismayado ang pangulo sa mga binitawang ulat ng U.N tungkol sa kampanya ng pamahalaan sa illegal drugs.

Noong Linggo ng madaling araw sa pamamagitan ng isang pahayag ay sinabi ni Duterte na kakalas na ang bansa sa U.N dahil mga batikos sa anti-drug campaing ng pamahalaan.

Read more...