130 na pulis, sisibakin matapos mag-positibo sa confirmatory drug test
Pumalo na sa 99,598 ang kabuuang bilang ng mga pulis ang sumailalim sa mandatory drug test ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Police Chief Supt. Emmanuel Aranas, hepe ng PNP Crime laboratory, sa nasabing bilang pumalo sa 130 ang nagpositibo sa confirmatory drug test at nakatakdang sibakin sa serbisyo.
Dagdag pa ni Aranas, hindi pa nakukumpleto sa 100 percent ang drug test ng mga pulis.
Ang iba kasi aniya ay naka-leave sa panahon na isasagawa ang drug test o di kaya ay naka-deploy sa mahalagang operasyon.
Samantala, bagaman hindi pa makumpleto ang drug test sa tinatayang mahigit 170,000 na mga pulis sa buong bansa, sinabi ni Aranas na magtutuloy-tuloy ang random drug testing ng PNP para matiyak na walang adik sa marijuana o shabu ang nasa hanay ng pulisya.
Kaugnay nito, hindi naman maisapubliko ni Aranas ang mga pangalan ng mga nagpositibo dahil ipinapasa nila ang resulta kay PNP Chief Rinald Dela Rosa na siya umanong may disposisyon sa record.
Sa 130 na nagpositibo, pinakamataas na ranggo ay Chief Inspector o Coronel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.