Narecover na ang katawan ng lahat ng anim na manggagawa na na-trap sa ginagawa nilang tunnel sa General, Nakar sa Quezon.
August 13 pa nang maganap ang pagguho at inabot ng siyam na araw bago tuluyang makuha ang katawan ng lahat ng nasawing minero.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng General Nakar, natagpuan na ngayong Biyernes ng umaga ang katawan nina Zenith Picat at Danny Harnois.
Ang apat na iba pang manggagawa na sina David Guiage, Jr., Simeon Sig-Od, Ferdie Sanadan at Roland Sanchez ay nauna nang narecover ng mga rescuer.
Na-trap ang nasabing mga minero mag-collapse ang ginagawa nilang tunnel sa Sumag River sa Barangay Umiray sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan na dulot ng habagat.
MOST READ
LATEST STORIES