Senator Leila De Lima, sinampahan ng ethics complaint sa Senado
Inireklamo sa Ethics Committee ng Senado si Senator Leila De Lima kaugnay sa mga alegasyon na ipinukol sa kaniya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Isang Atty. Aberlardo De Jesus ang naghain ng reklamo na tinanggap ng Senate Ethics Committee alas 8:30 ng umaga ng Lunes.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni De Jesus na wala siyang personal knowledge kaugnay sa sinasabing pagkakasangkot ni De Lima sa operasyon ng illegal drugs at sa halip ay ibinase niya ang kaniyang inihaing reklamo sa mga pahayag ni Pangulong Duterte.
Pagkakataon na aniya ito ni De Lima na linisin ang kaniyang pangalan, dahil ang ethics committee ng mataas na kalupungan ng kongreso ang proper forum para siya ay imbestigahan.
“The senate ethics committee is the proper forum para imbestigahan ang mga allegations kay De Lima. I have no personal knowledge on the allegation, I am just relying on the statement of the president,” sinabi ni De Jesus.
Hindi naman binanggit ni De Jesus sa reklamo ang kaugnay sa umano ay pakikipag-relasyon ni De Lima sa kaniyang driver dahil personal na aniya ito at wala namang kinalaman sa kaniyang trabaho bilang public servant.
Kung mapapatunayang sangkot nga sa operasyon ng droga sinabi ni De Jesus na marapat lamang matanggal sa pwesto ang senadora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.