Pagdami ng mga menor-de-edad na sangkot sa droga, isinisi ng PDEA sa Juvenile Justice and Welfare Act

Drugs erwin 2Nababahala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dumaraming bilang ng mga menor-de-edad na gumagamit ng iligal na droga.

Ayon kay PDEA director general Isidro Lapeña, sa datos noong 2015, umabot sa 221 na menor-de-edad na sangkot sa illegal drugs ang na-rescue, kalahati sa mga ito may edad na labing limang taon pababa.

Mas mataas sa 181 na menor-de-edad na narescue noong 2014, 148 noong 2013 at 125 noong 2012.

Isinisi ito ni Lapeña sa umiiral na juvenile justice and welfare act kung saan hindi maaring sampahan ng kasong kriminal ang mga menor-de-edad.

Kugnay nito umaasa naman si Lapeña na agad na maaaprubahan ang inihaing resolusyon sa senado kung saan hinihimok ang senado na magsagawa ng inquiry in aid of legislation, para sa epektibong drug prevention at intervention para sa kabataan.

Makakatulong umano ito upang makagawa ang pamahalaan ng mas epektibong mga programa laban sa pagtaas ng bilang ng mga menor-de-edad na sangkot sa droga.

 

 

Read more...