“Noon: Mag-ingat sa kriminal; Ngayon: Kriminal pinag-iingat” – sa ‘Wag Kang Pikon ni Jake Maderazo
KAPANSIN-pansin ang pagbabalik ng kaayusan sa maraming barangay sa Metro Manila.
Noon, nagkalat ang mga lasenggo sa kalye, mga adik na nambabastos, mga drug pushers na siga-siga sa kanilang mga lugar. Malalakas ang loob ng mga taong ito dahil konektado sila sa mga corrupt na mga pulis.
Walang laban ang maliliit na mamamayan dahil barangay, pulis, sundalo, mayor, gobernador, kongresman ay sangkot sa droga at ilegal na gawain.
Sila ngayon ay nabilad at isa-isa nang tumutumba. Sa huling bilang halos 700 na ang mga napapatay ng mga pulis na drug offenders pero mas marami o higit 800 ang napapatay umano ng mga di kilalang armadong grupo. Ang iba’y pinapasok sa bahay at ang pinakahuli, bi-nabaril daw ng sniper.
Kahit kapitan ng pulis, MILF commander, mayaman o mahirap basta sangkot sa droga ay pinapatay. Sabagay, umiiral ang pangakong reward ni Digong sa mga makapa-patay ng drug lord na tig-P5 milyon galing sa sobra niyang campaign funds.
Hindi na ako nagtataka kung bakit masisipag ang mga vigilantes. Maraming taxi-driver ang nagsabi sa akin na sa gabi ay nagkalat ngayon ang mga pulis sa lansangan at sa mga barangay ay nagsisipag rin ang mga tanod.
Kapag sumasapit ang ika-10 ng gabi, mga empleyado na papasok o pauwi na lamang ang makikita sa kalye. Wala na rin masyadong mga bata sa lansangan, wala na rin ang mga maiingay na karaoke ng mga kapitbahay at iilan na lamang ang mga tindahan na nagbebenta ng alak, lalo na sa gabi.
Kaya hindi na kataka-taka na bumaba ang “index crimes” ng halos kalahati. Nabawasan ang mga kasong rape, akyat bahay, holdap, snatchings at marami pang iba. Idagdag pa natin diyan ang paglulunsad ng hotline na 911 para ireklamo ang kriminalidad o alinmang emergency sa barangay.
At kung opisyal ng gobyerno ang nang-aabuso, meron namang hotline na 8888 para doon sila ireklamo. Ang mga numerong ito ay nagsisilbing empowerment sa taumbayan para ibalik ang kapangyarihan sa mas nakararaming law-abiding citizens laban sa mga kriminal.
Sabi ng dalawang waiter na kausap ko, noong araw, pinag-iingat natin ang mga kaanak natin sa paglabas ng bahay. Pero ngayon, ang mas nag-ii-ngat daw ay ang mga criminal na naka-lie low ngayon at nagtatago.
At kung tutuusin, 53 days pa lamang ang Duterte administration, at meron pang natitirang 2,137 na araw na bubu-nuin ng mga kriminal. Isipin niyo ang mga numerong ito lalo na ang a-verage na lima na napa-patay na drug offenders bawat araw sa Metro Manila.
Ibig sabihin, meron pang mamamatay na 10,685 criminals dito sa NCR. Ang pagbuti ngayon ng peace and order ay tanggap at ikinatutuwa ng maraming mamamayan. Lalo pa’t sinisibak na ngayon ang mga pulis, sundalo, LGU officials na sangkot sa ilegal na droga.
Pero nariyan ang mga imbestigasyon sa extra judicial killings at mga reklamo ng human rights groups at simbahan. Anim na buwan ang self-imposed deadline ni Digong, at sa palagay ko, dapat na patapusin na lang natin muna ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.