Ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan ang bata na nag-detonate ng bomba sa kasalan ay bomber ng Islamic State.
Sa imbestigasyon, ang edad nito ay nasa pagitan lang ng 12 hanggang 14.
Ito na ang itinuturing na deadliest attack sa Turkey ngayong taong 2016.
Maliban sa 51 na nasawi, mayroong naitalang 94 na nasugatan kabilang ang bride at groom na katatapos lamang ikasal nang maganap ang pagsabog.
Nasa 69 naman ang nananatili pa sa pagamutan at 17 dito ang kritikal pa ang kondisyon.
Ayon kay Health Minister Recep Akdag karamihan sa mga nasugatan ay pawang babae at mga bata.
MOST READ
LATEST STORIES