Congresswoman Vilma Santos-Recto, ipinalilibre sa buwis ang overtime pay

BPOUmaasa si Lipa City Rep. Vilma Santos-Recto na susuportahan ng mga kapwa Mambabatas ang kanyang panukala na huwag nang buwisan ang overtime pay ng mga manggagawa.

Sa ilalim ng House Bill 2599 ni Santos-Recto, hindi na mapapabilang sa computation ng taxable income ng mga empleyado ang kanilang O.T.

Sinabi ng chairman ng House Committee on Civil Service and Professional Regulation na kapag naisabatas ang kanyang panukala, masasakop nito ang O.T. ng mga kawani ng pamahalaan at pribadong sector.

Naniniwala si Santos-Recto na sa pagsasabatas ng panukala, matutulungan ang maraming mga empleyado at mae-enjoy pa nila ang perang pinagpaguran sa pagta-trabaho ng lagpas sa itinatakda o O.T.

Inamin naman ng kongresista na kapag naging batas ang kanyang proposal, makakaapekto ito sa kita ng pamahalaan.

Gayunman, kumpiyansa si Santos-Recto na may babalik na pera sa gobyerno dahil kung malaki ang take-home ng mga empleyado, dadami ang gastos nila na magpapalakas naman sa ekonomiya.

 

 

Read more...