LPA, binabantayan ng PAGASA sa Aurora; nakapagpapalakas sa habagat

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa 370 kilometers East ng Baler, Aurora.

Ayon kay Benison Estareja ng PAGASA, maliit ang tsansa na ito ay maging isang ganap na bagyo.

Gayunman, pinalalakas nito ang habagat na naghahatid ng pag-ulan sa MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at lalawigan ng Aurora.

Maulap na papawirin naman na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at isolated thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila ngayong araw.

Sakaling makalapit sa kalupaan ang LPA sa susunod na dalawang araw, sinabi ni Estareja na maaapektuhan na din ng habagat na pinalalakas ng LPA ang Southern Luzon at Metro Manila.Maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang LPA.

Read more...