US, kampeon sa men’s basketball sa Rio Olympic

Twitter Photo | @Rio2016_en
Twitter Photo | @Rio2016_en

Ang US ang itinanghal na kampeon sa ikatlong pagkakataon sa Olympic men’s basketball.

Sa iskor na 96-66 tinalo ng team ng US ang Serbia para maiuwi ang gintong medalya sa Rio Olympics.

Si Kevin Durant ng NBA ang nanguna sa team sa iskor na 30 points.

Sa kabuuan ng laban, hindi pinayagan ng US na makalamang ang Serbia.

Ang Serbia ang mag-uuwi ng silver medal, habang ang Spain naman ang mag-uuwi ng bronze medal matapos talunin ang Australia sa naunang laban.

 

 

Read more...