Senator Jinggoy, pinayagan ng korte na dumalaw sa ospital  

July 22, 2015 - 08:04 PM

 

jinggoy-estrada2Pinayagan ng Sandiganbayan 5th Division si Senator Jinggoy Estrada na makadalaw sa kanyang biyenan na nasa ospital matapos ma-stroke.

Batay sa dalawang pahinang desisyon ng Anti Graft Court, si Estrada ay maaaring lumabas ng kanyang selda sa PNP Custodial Center sa Camp Crame alas-9 ng umaga bukas.

Pinayagan ang senador na manatili sa Intensive Care Unit ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Ang biyenan ni Estrada na si Estelita Vitug ay na-stroke at patuloy na nagpapagaling sa nasabing ospital.

Muli namang ipinaalala ng korte na hindi maaaring gumamit ng anumang communication equipment si Estrada habang siya ay nasa labas ng detention cell./Donabelle Dominguez-Cargullo

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.