‘Pagtatanim ng ebidensya, dati nang bahagi ng taktika noon bilang prosecutor’-Duterte

By Kabie Aenlle August 22, 2016 - 04:37 AM

 

Malacañang photo

Nabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang mga taktika at diskarte sa loob ng 10 taong pagiging city prosecutor.

Sa kaniyang press conference madaling araw ng Linggo, nasambit ni Duterte na natutunan niya sa dati niyang trabaho na minsan, kailangang baliin ang batas para makuha ang nais nilang makuha.

Ayon kay Duterte, gawain nila noon ang pagtatanim ng ebidensya o ang paggawa ng kontrobersya, at ang pagpapa-aresto sa ilang tao na pakakawalan rin naman kalaunan.

Paliwanag ng pangulo, ginagawa nila ang mga intriga upang malaman nila kung saan ito nagmumula at kung ano ang susunod nitong gagawin.

“I’ve learned a lot during my prosecution days. We planted evidence. We arrested persons but we released them.” Ayon sa Pangulo.

“We first planted the intrigues, so that we would know where they were or where they came from.”

Sa unang bahagi ng press conference, itinanggi ni Duterte na gawa ng mga pulis ang mga extra-judicial killings dahil ang bilin lang niya aniya sa mga ito ay gamitan lang ng isang bala ang mga ito at hindi na pag-aksayahan pa ng panahon na balutin ang bangkay.

Dagdag niya pa, sa umpisa ay na-tanim sila ng mga intriga doon.

Ipinaliwanag rin ng pangulo kung bakit niya kinailangang banggitin ang koneksyon nina Sen. Leila de Lima at sa kaniyang driver.

Aniya ito ay para linawin ito sa mga bumabatikos sa kaniya dahil magmumukha siyang mangmang kung hindi niya ito gagawin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.